Linggo, Oktubre 7, 2012

Paghahanda ng Masusustansiyang Pagkain

Isa sa pangunahing pangangailangan ng mag-anak ay ang paghahanda ng masustansiyang pagkain.Ang pagkain ay nagbibigay-init,nagpapasigla,at nagpapalakas ng katawan at isipan upang maayos na magampanan ang mga pangaraw-araw na gawain.Mahalaga amg masustansiyang pagkain upang makaiwas sa sakit at karamdaman.Ang paghahanda at pagdudulot ng pagkain para sa mga kasapi ng mag-anak ay karaniwang tungkulin ng ina.Siya nag nagluluto at naghahanda ng pagkain sa agahan,tanghalian,hapunan, at meryenda.Bilang kasapi ng pamilya, malaki ang iyong maitutulong sa paghahanda at pagdudulot ng masustansiya, mura, at sapat na pagkain.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento